Nag-berdey si bespren a few days ago. Kakatats kasi nag-text sya sa kin na kung wala naman akong gagawin sa Saturday e mag-meet daw kami, iti-treat nya ko, food plus movie (waha, gusto nyang panoorin si Annabelle Rama kasi mukhang makulit daw ung My Monster Mom:p)… Huwag ko na nga lang daw sabihin sa iba naming prendships kasi ako lang ti-treat nya… devah bonggang-bongga! Wooohooo… That helped me do my job – grabeng pressure namin sa work last week e, as in… Deadlines, deadlines, deadlines – early in, late out nga ang lola mez para maka-cope up… Niwei, I was really looking forward to Saturday becoz of that.. Hehehehe…
After ng Friday shift, uwi agad ako sa bahay… Antokish na aketch pero nang nakita ko ang driver ng shuttle, haller, nagising aketch – si papa krasnes! Wahahaha… Uber gising ako shemps at nakipagwentuhan (with matching pasimpleng tingin-tingin evermae… weee) kay kras… ayiii… Kainis nga lang ambilis ng byahe namin (naman, alas-kuwatro y medya ng madaling araw noh, walang trapik… hmp!) and I have to leave my kras agad… Nek taym yung complete detail ha, iba muna iispluk ko ditei… ahihihi…
Nahirapan aketch sumakay from Boni… Anobeh… Kaya past 6am na ko dumating sa haus, nag-toothbrush lang, palit ng damit, then sleep na… Kasi nga, I need to wake up in 4 hours time to meet bespren… so go, naka-borlogs na aketch ng more than one hour nang nag-vibrate ang eberlababol kong cp… naka-saylenz yun poreber pero naka-vibrate… unknown number ang caller but I decided to reply to it – nagising na rin lang weh… Ayun ang mabaet kong hausmate naiwan ang susi ng apartment sa loob mismo ng apartment namin so hindi siya makapasok… Ok lang daw ba kung punta sya dito sa haus? Haller, hindi ako makapag-decide – borlogs pa ang kaluluwa ko noh! Sabi ko meet ko na lang samwer kasi mi-meet ko naman si bespren ng 12 sa Cubao… Text ko na lang kako saan… gudbay! Talk about wrong timing… Pag nagising kasi ako ang hirap kong bumalik sa tulog… so nasira na ang supposed 4-hour sleep ko, I woke up late and got a pounding headache – I can’t make myself get up! Devah! To cut the short story long (oo may ganon, wag kang mangealam, story ko to! :p), late na ko nagising uli, meaning male-late ako sa appointments ko… To top it off, I can’t see where I put my MRT ticket! Grrr… So mega pila pa ko sa MRT lalo akong na-late… Grabe, umuusok ata bumbunan ko non… Na-text ko tuloy yung hindi ko dapat itext (sorry, sobrang pressured ako), etc… etc… Niwei, I met hausmate, gave her my keys then waited for bespren… Nagkita din kami finally (yes, mas late sya sa kin… nyahaha) and off we go to MOA (change of plans kasi hindi na kami manonood ng sine at nagke-crave sya kay Pupung’s)…
OK payn narating na namin ang MOA, we headed straight to Pupung & Friends (we love this place!)… Anak ng tokwa, walang maupuan kasi andami ng tao… Nilapitan kami nung manager ata yung lalakeng yun, basta sya and he told me,”what’s your order mam?” devah inglesero ang mokong… Sabi nya I’ve been there before and he remembered me… backgrounder on that – I guess yun yung time na dalawang magkasunod na araw kaming kumain don last summer when my friend came to Manila at wala kaming maupuan don and we we’re like duh, English-speaking complainers… wahaha… Fwes, because he remembered your lola, when I requested to sit in the couch, he immediately summoned one of their staff and reserved the couch for us… Weeee… We had inihaw na liempo (I so love the butter garlic sauce), oriental seafood bbq, mango salad and guinimis (huwaaa I am not sure kung tama yung pangalan basta yung parang sago gulaman something)… at nag extra rice si bespren (ooops, one rice lang ang kinain ko ha, no more, no less… at hindi rin naubos si extra rice)… niwei, na-satisfy na ang craving ni bespren, busogers na kami so what to do next? We walked para bumaba naman kinain namin… hehehe…
Next stop, the tram! Oo na, para kaming mga batang sumakay sa tram at naka- 1 ½ na ikot kami… Enjoy kami manood… ng mga batang sumasakay… hehehe… kaya lang ang mga linshak na yun, hindi man lang kami pinayagang makasakay sa unahan sa tabi ni manong driver… wahahaha… asa pa weh… :p
We walked some more… May balak sila nong co-celebrant nya na mag treat, ang gusto ng iba naming friends e sa bar… Sabi nya, tumatanda na daw yata sya kasi hindi nya feel don dahil maingay plus hindi rin siya mahilig uminom… I told her na even at college, I don’t want to go there… I rather be heard e… Saka allergic pa sa alcoholic drink ang lola mez so talagang cross na cross ang bar… hehehe… As it is her day, I asked her what she wants to do… Gusto nya daw maglakad-lakad, makipag kwentuhan… So go, nag alay lakad kami… bago kami nagkita size 6 ang paa ko, nong naghiwalay kami, size 7 na… Bwahahaha
We went to book sale… OK payn, adik ako dito… you can leave me inside a bookstore for more than one hour and won’t be bored (nerd!)… Dami kong nakita pero haller naman, kulang sa budget… wahahaha… So I just got 2 books (aba 130 pesosesosesoses din un noh!)… Then off we go again on our never ending journey… Char lang… :p
Baket kaya walang tram na gumagala sa may esplanade? Meron don weh… Fwes naglakad-lakad kami… We had kwek kwek and gulaman… yummy… and at 4pm, may dancing fountain chuva, yun bang parang nagda-dance yung fountain (waha yun din yung sinabi ko, hmp!) with matching tugtog evermae… from 4pm to 12mn yun (I guess every hour)… tapos inabutan pa kami ng ambon don, tumabang nga ng onti yung gulaman kasi nadagdagan ng patak ng ulan… bwahaha… silooonggg agad… weeee…
Ikot-ikot pa… sale ang dvd at vcd’s… tingin-tingin… I bought The Little Prince vcd for 65 peysos and she bought… I porgot what she bought… wehehe… basta she bought, tapos!:p
Then we went to Church’s… meron palang ganong kainan don? Katabi ng hypermart… nag take out kami, then went home na… Grabe, feeling ko talaga super pagod na yung feet ko kalalakad… Past 6pm na nong naghiwalay kami… But we had fun… as in fun… wehehehe… Tenchu, bespren… nek taym uli!
I really had fun… And it made me miss my other friends… We used to do that way back in college – eating out, wentuhang walang humpay, laughing out loud… Hahaha… It doesn’t even need to be at the mall or a posh resto, we just need to be together and we’ll always have laughters, no matter where we are or what we’re having… That, for me, spells F-U-N…
071308sun.
